PAANO NGA BA MAGING RESPONSABLE PAGDATING SA SOCIAL MEDIA
Ang ating mundo ngayon ay umiikot na sa social media, ang ating mga nararamdaman, naiisip at nalalaman ay ating ibinahagi dito. Ang social media sa panahong ito ay maituturing nating kabahagi na ng ating buhay, ito ay naging parte na ng ating pang araw-araw na pamumuhay. Base sa aking mga nakikita ang social media ngayon ay nagagamit natin upang mag pahayag ng ating mga saloobin, katulad ng pagsusulat, pag po-post at pag bibigay ng kumento sa ibang tao, ngunit hanggang saan nga ba ang pwede nating sabin? Ano nga ba ang ating limitasyon sa pag bibigay ng kumento o pag po-post sa social media na ating ginagalawan? At paano nga ba maging responsableng social media user?
Ang ating mundo ngayon ay nababalot na ng social media, ang lahat ng ating galaw, kibo at mga sinasabi social media ay dapat angkop at kaaya-aya dahil ang social media na ating ginagalawan ay sensitibo, ito ay mistulang isang patibong na sa isang kislap mata ay kaya kang lamunin, lamunin ng pamamahiya, pang ba-bash at paninira.Ang aking karanasan sa social media ay masasabi ko na payapa, hindi ako nag kakaroon ng kahit anong problema sa aking social media, wala akong kaaway, wala akong mga bagay na ginawa upang makasqkit ng sinuman, marahil itatanong nyo "paano nga ba mag karoon ng payapang mundo sa social media?" "Paano nga ba makaiwas sa mga bagay na maaaring makasakit ng iba?". Ang sagot sa lahat ng inyong mga katanungan ay nasa isang salita lamang, at ito ay ang MABUTING ASAL. Sa mundo ng social media, ang pagkakaroon ng mabuting asal ay isang bagay na dapat taglayin ng sinuman, bawat tao sa social media ay dapat mag taglay ng respeto, mabuting asal, at dapat alam ang mga alituntunin sa social media. Ang mga bagay na ito ay ang syang tutulong sa atin upang maiwasan natin ang mga hindi pagkakaintindihan at mag susulat ng mali sa social media.
Narito ang ilang mga bagay na maaari nating gawin upang tayo ay maging isang responsableng manunulat sa social media.
1. Pagisipan ng mabuti ang bawat salita na ating gagamitin o i ta-type upang maiwasan ang hindi pag kakaintindihan." Think before you click".
2. Alamin ang bawat batas na ipinatutupad ng mga site na ating pinapasok.
3. Lagi maging magalang sa pag susulat ng mga salita, lalo na kung may mga bata na maaaring maka basa nito.
4. Maging Responsable sa Pagbabahagi, Pag-post, at Pag-repost ng Mga Larawan o Video.
5. Isip mabuti kung ano ang maging ipekto ng iyong mga isusulat. "One word can change everything".
Ang pagiging isang responsableng manunulat sa social media ay masasabi ko na isang bagay na pinaglalaan ng oras, pagod at buong puso, hindi ito isang bagay dapat baliwalain. Sa ating mundo ngayon masasabi ko na ang social media ay syang ating katuwang sa ating pang araw-araw na pamumuhay, halos lahat ng tao dito umaasa, dito nakasalalay ang mga trabaho, koneksyon at pagbabahagi ng nararamdam. Kasabay dapat ng ating mabilis na pag unlad ng ating kaalaman sa social media ay ang mabilis rin pag papalawak ng ating kaalaman tunkol sa mga alituntunin nito, ang magaganda at masasamang bagay na hatid nito. Sa ating pagulad wag nating kalimutan ang ating kaalaman dahil ito at ito at ito parin ang gagabay sa atin tungo sa mas payapa, matiwasay at puno ng respetong pamumuhay kasama ang social media. Sabi nga nila "think before you click".