PAANO NGA BA MAGING RESPONSABLE PAGDATING SA SOCIAL MEDIA

Ang ating mundo ngayon ay umiikot na sa social media, ang ating mga nararamdaman, naiisip at nalalaman ay ating ibinahagi dito. Ang social media sa panahong ito ay maituturing nating kabahagi na ng ating buhay, ito ay naging parte na ng ating pang araw-araw na pamumuhay. Base sa aking mga nakikita ang social media ngayon ay nagagamit natin upang mag pahayag ng ating mga saloobin, katulad ng pagsusulat, pag po-post at pag bibigay ng kumento sa ibang tao, ngunit hanggang saan nga ba ang pwede nating sabin? Ano nga ba ang ating limitasyon sa pag bibigay ng kumento o pag po-post sa social media na ating ginagalawan? At paano nga ba maging responsableng social media user? Ang ating mundo ngayon ay nababalot na ng social media, ang lahat ng ating galaw, kibo at mga sinasabi social media ay dapat angkop at kaaya-aya dahil ang social media na ating ginagalawan ay sensitibo, ito ay mistulang isang patibong na sa isang kislap mata ay kaya kang lamunin, lamunin ng pamamahiya, p...